Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, makikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw

Manila,Philippines – Nakatakdang gawin ngayong araw ang bilateral meeting ni BruneiDarussalam Sultan Haji Hassanal Bolkiah.
 
Nabatid na mag-aalas-siyete kagabi nanglumapag ang eroplano ni Bolkia sa Ninoy Aquino International Airport.
 
Ayon sa pamunuan ng NAIA, si Bolkiah mismoang nagpiloto ng kaniyang sinakyang eroplano lulan ang kaniyang delegasyon.
 
Kabilang sa mga aktibidad ng Sultan sa Pilipinasang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal at saka didiretso sa Palasyong Malakaniyang para sa pinaghandaang state banquet.
 
Si Sultan Bolkiah ang unang lider ng isangbansa na dumating sa Pilipinas na dadalo sa leaders meeting sa Sabado.
 
Bukod kay Bolkiah, magsasagawa rin ng statevisit sa Pilipinas sa sidelines ng ASEAN Summit sa Abril 28 si IndonesianPresident Joko Widodo.
 
Samantala, inaasahang darating na din ngayongaraw si Malaysian Prime Minister Najib Razak.
Photo from: dailystormer.com 

Facebook Comments