Cauayan City, Isabela – Kinundena ng pamunuan ng DENR Region 2 ang hindi makatarungang pagpatay sa dalawa nilang kawani kamakailan sa Brgy. Ayod, Dinapigue, Isabela.
Sa naging pahayag ng DENR, hindi umano makatao ang pag-atake kay forest ranger Marcial Pattaguan at Bronsel Impiel na isang dumagat, trabahador at guide habang patungo ang grupo ng dalawang biktima sa hangganan ng Dinapigue at Palanan upang maglagay ng muhon partikular sa Northern Sierrra Madre Natural Park.
Nagpahayag pa ng pakikidalamhati ang buong pamunuan ng DENR sa mga pamilya nina Pattaguan at Impiel na walang awang pinatay sa kasagsagan ng kanilang tungkulin at trabaho.
Mahigpit din ang panawagan ng DENR sa pamunuan ng PNP Dinapigue, NBI at LGU para sa agarang hustisya nina Pattaguan at Impiel.
Samantala, ang brutal umano na pagpatay sa mga biktima ay isang kawalan ng puso ng mga suspek na dapat umanong managot sa lalong madaling panahon.