BSP, maglalagay na rin ng CoDMs

Maglalagay ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng coin deposit machines (CoDM) para isulong ang epektibong coin recirculation sa bansa.

25 makina ang idi-deploy sa piling retail establishments sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.

Ayon sa BSP, dahil sa automated CoDMs ay madaling maidedeposito ng customers ang kanilang barya at ma-redeem ang accumulated value nito mula sa partner retail establishments sa pamamagitan ng shopping vouchers o rewards card points.


Maaari namang direktang i-credit ng customers ang halaga sa participating bank accounts o electronic wallets.

Sinabi ng BSP na ang fit coins na makokolekta mula sa mga makina ay maibabalik sa sirkulasyon kapag ginamit ito ng retailers na panukli.

Ang unfit coins naman ay aalisin na sa sirkulasyon at ireretiro na ng Central Bank.

Facebook Comments