Live From The Field

33
Call center agent at security guard arestado sa drug buy bust. Kalibo, Aklan— Arestado ang isang call center agent at isang security guard sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kapulisan sa Poblacion Numancia kagabi. Huli sa akto ng mga pulis na gumagamit pa ng illegal na droga ang suspek na si Ma Eugenia Mosquera alyas Mayen 36 anyos habang kasama nito sa isang kwarto si John Nicklyn Teodosio alyas Nick 32 anyos. Narecover mula sa suspek na si Mayen ang P2,000 na marked money kapalit ng isang sachet ng shabu. Nakuha naman mula sa loob ng kwarto ang karagdagang 7 sachet ng iligal na droga, aluminum foil at iba pang drug paraphernalias. Dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit at Numancia PNP ang dalawa matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa ilegal na aktibidad. Sa panayam ng RMN DYKR Kalibo kay LT COL. Frenzy Andrade, team leader ng PDEU, sinabi nito na street level target ang suspek at kumukuha umano ang mga ito ng suplay ng ilegal droga mula sa labas ng lalawigan. Kinumpirma rin nito na nahuli rin sa kaparehong kaso si Teodosio ilang taon na ang nakalipas ngunit pinalaya matapos mag plea bargaining. Napag alaman na kakalabas lamang ni alyas Nick sa ospital dahil sa kanyang sakit sa puso. Sa ngayon sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (selling), 11 (possession of illegal drugs) at 12 (possession of drug paraphernalias) si Mosquera habang paglabag naman sa Sections 11 at 12 ng RA 9165 ang kakaharapin ni Teodosio.
Facebook Comments