Kasalukuyang pinag-aaralan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang produksyon ng baryang P20.
Ayon kay BSP Senior Assistant Governor Dahlia D. Luna, mas epektibo ang barya dahil tumatagal ito ng 15 taon barya kumpara sa mga perang papel na madaling maluma at inaabot lamang hanggang 6 na buwan.
Iminungkahi ang paggawa ng barya matapos lumabas sa isinigawang pag-aaral ng University of the Philippines (UP) na pinakamaruming banknote ang P20 sa lahat ng salaping papel dahil madalas ito gamitin ng publiko.
Aniya, sinisimulan na ngayon ang disenyo ng P20 coin at wala itong pagkakaiba sa mga baryang nakalabas sa merkado.
Taong 2010 nang ilunsad ng BSP ang kasalukuyang disenyo ng P20 kung saan makikita sa harapan si dating Pangulong Manuel Quezon; Banaue Rice Terraces sa likod; at palm civet sa magkabilang gilid.
Nakatakdang ilabas sa publiko ang nasabing barya sa huling bahagi ng taon o simula ng 2020.