BSP, nagbabala sa publiko hinggil sa mga pekeng dokumento

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mag-ingat sa mga naglipanang pekeng BSP documents na ginagamit ng mga kawatan at kriminal para linlangin ang financial consumers.

Ayon sa BSP, pinag-iingat nila ang lahat laban sa mga indibidwal o grupo na nagpapakita ng mga dokumento na nagsasabing nasa kustodiya ito ng BSP o ng iba pang government agencies.

Tinukoy ng BSP ang mga pekeng dokumento na may Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunications (SWIFT) na naglalaman ng ilang impormasyon tulad ng address at pangalan ng counterparty at may halaga ring nakalagay.


Hihikayatin nito ang publiko na mag-invest at pangangakuan ng malaking balik o “double-your-money” schemes.

Paglilinaw ng BSP, wala silang dokumento at financial instruments para sa mga indibidwal, korporasyon, foundations o non-profit organizations.

Ang SWIFT messages sa pagitan ng bangko at counterparties ay hindi dumaan sa BSP.

Facebook Comments