Tuesday, April 7, 2026

BSP, nagpaalala sa bank at e-wallet users laban sa scam

Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko kaugnay sa mga bagong modus ng scammers na target ang mga bank at e-wallet users.

Ayon sa BSP, hindi dapat agad magpaniwala sa mga mensaheng nag-aalok ng “welcome rewards” mula sa credit card at iba pang produkto ng mga bangko.

Pinayuhan ang publiko na tiyaking beripikado ang mga ganitong alok sa pamamagitan ng official channels ng mga bangko upang maiwasang mabiktima ng panlilinlang.

Babala pa ng BSP, malinaw na red flag kung hihingan ng One-Time Password (OTP), Card Verification Value (CVV), o iba pang personal na impormasyon para makuha ang sinasabing rewards.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga kliyente na agad makipag-ugnayan sa kanilang bangko o e-money issuer sakaling may kahina-hinalang aktibidad o posibleng paglabag sa seguridad ng kanilang account.

Dagdag pa ng BSP, kung hindi maaksyunan ang reklamo, maaari itong i-report sa kanilang website at opisyal na social media platforms.

Facebook Comments