BSP, pinag-iingat ang publiko sa mga kumakalat na sirang pera

Pinag-iiingat ng Bangko Sentral Ng Pilipinas o BSP ang publiko sa pagtanggap ng mga sira o may damage na mga pera.

 

Ito’y dahil sa kumakalat na perang naka-dikit sa pamamagitan ng staple wire o scotch tape.

 

Payo naman ng BSP na agad na ipapalit sa mga commercial banks at dalawamput dalawang opisina nila ang mga perang nasira, napunit, nabasa at may mga sulat.


 

Pero paliwanag ng BSP dapat ay nasa 60 percent na maayos ang pera kung saan nababasa pa din ang serial number, may security thread at malinaw parehas ang pirma ng Pangulong Rodrigo Duterte at ng governor ng Bangko Sentral.

 

Maaari naman daw na tanggapin pa ang mga perang itinklop o kaya ay nakarolyo basta ito’y maayos pa.

Facebook Comments