BSP, pinaghahanda na ang publiko dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin ngayong holiday season

Pinaghahanda na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko dahil sa inaasahang pagtatas presyo ng ilang basic goods at services ngayong nalalapit na holiday season.

Ito ay matapos bumagsak sa 4.6% mula sa 4.9% ang inflation rate nitong October 2021.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, malayo ito sa nakikitang forecast na papalo sa 4.5 hanggang 5.3%.


Patuloy naman ang pagmonitor ng BSP sa presyo ng mga bilihin bago ang susunod na pagpupulong nito sa November 18.

Maliban sa presyo ng mga bilihin, bumagsak din sa 11.9% mula sa 15.6% ang meat inflation dahil sa kakulangan ng suplay ng karne bunsod ng epekto ng African Swine Fever (ASF).

Facebook Comments