Target na Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gawing digital ang bayaran sa mga sari-sari stores at maging sa tricycle drivers.
Ayon kay BSP Deputy Governor Mert Tangonan, nais nilang makarating ang digital payment scheme sa mga maliliit na negosyo at maging sa informal sector upang mas maging madali at contactless ang transaksyon.
Ito ay matapos umarangkada ang person-to-merchant (P2M) QR code system na layuning mas palakasin pa ang digital payments hanggang sa 50% sa taong 2023.
Target din ng BSP na gawing “cash-lite” economy ang bansa kung saan parehas na magagamit ang pisikal at digtal sa bawat transaksyon.
Facebook Comments