BSP, tiniyak na hindi mangyayari sa Pilipinas ang pagsasara ng mga bangko sa Amerika

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi mangyayari sa Pilipinas ang nangyari sa Amerika kung saan ilang bangko ang nagsara.

Ayon sa BSP, nananatiling matatag ang banking system sa bansa.

Iginiit ng BSP na minsan na ring nasubukan ang katatagan ng banking system sa bansa noong kasagsagan ng pandemya.


Wala rin anila silang nakikitang sinyales na nasa alanganin ang banking system ng bansa.

Agad din anilang naaagapan ng banking supervisory authorities kapag nagkakaroon ng aberya sa ilang bangko.

Facebook Comments