Thursday, November 26, 2026

House Bill No. 11616, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara

Lusot na sa 3rd and final reading ng Kamara ang House Bill No. 11616, o ang panukalang batas na magpapalakas sa kapangyarihan ng Intellectual Property Office of the Philippines o IPOPHL laban sa piracy at iba pang paglabag sa intellectual property rights.

Sa ilalim ng panukalang batas, mapoprotektahan na ng mga Pilipinong manunulat, musikero, filmmaker, at may-ari ng negosyo ang kanilang mga orihinal na likha laban sa pangungopya o pamimirata, at pagbebenta ng mga produktong gumagamit ng kanilang brand nang walang pahintulot.

Dagdag pa rito, maaari nang hilingin ng mga copyright owner at rights holder sa IPOPHL, na harangan ang mga website o iba pang online location, na nagpapadali sa sa paglabag sa copyright.

Sa kabilang banda, inaatasan din ang mga internet service provider na sumunod sa disabling order sa loob ng 48-hrs matapos itong ilabas, sa pamamagitan ng mga teknikal na paraan para harangan ang pag-access sa tinukoy na online location.

Samantala, mula sa P5-K hanggang P150-K na multa, ay itinataas ito sa P100-K hanggang P1-million, at karagdagang P10-K sa bawat araw nang pagpapatuloy ng paglabag.

Facebook Comments