Thursday, November 26, 2026

Higit 4K titulo ng lupa, ipamamahagi sa mga magsasaka sa Negros Oriental

Hindi lamang titulo ng lupa kundi pati puhunan, makinarya at iba pang suporta sa pagsasaka ang tiniyak ng pamahalaan sa mga benepisyaryo ng agrarian reform program.

Ayon kay Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, kailangang sabayan ng iba pang programa ang pamamahagi ng lupa upang mapataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka.

Bukas, mamamahagi si Estrella ng mahigit 4,800 titulo ng lupa sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Kabilang din sa benepisyo ang pagkakansela sa utang ng mga agrarian reform beneficiaries, kasama ang interes at penalties, alinsunod sa Republic Act 11953 o New Agrarian Emancipation Act.

Tiniyak ng kalihim na magpapatuloy ang mga programang magbibigay sa mga magsasaka ng farm-to-market roads, makinaryang pambukid, livestock at access sa pautang upang mas mapakinabangan ang kanilang mga lupain.

Facebook Comments