BSP – Until December 29 na lang ang Palitan ng Lumang Pera

Hindi naman nasayang ang extension period na ibinigay ng Banko Sentral ng Pilipinas para mabigyan pa ng pagkakataon na makapagpapalit ng kanilang mga lumang pera ang publiko hanggang December 29 ngayong taon.

Inihayag ito ni Madam Carina Del Rosario ng BSP Naga sa panayam na isinagawa ng DWNX. Ayon kay Del Rosario, pwede pang magpapalit ng mga lumang bills sa BSP at nitong mga nakaraang araw, marami pa talaga ang mga pumupunta sa BSP upang mapalitan ng bagong pera ang mga lumang bills. Idinagdag pa niya na kung sakaling meron pa ring hindi makakahabol sa ibingay na extension, ito ay mangangahulugan na wala ng value ang mga lumang pera at magiging simpleng papel na lamang ang mga ito pagpasok ng taong 2018.

Kaugnay nito, nanawagan si Del Rosario sa publiko na kung mayroon pang mga nakatagong lumang bills, sana wag ng hintayin ang December 29 para sa pagpapapalit ng mga ito. Nillinaw pa ni Del Rosario na BSP na lamang ang pwedeng makapagpalit ng mga lumang bills dahil hindi na ito inaako ng mga banko.


Kasama mo sa balita, RadyoMaN Grace Inocentes, Tatak RMN!

Facebook Comments