BUBUSISIIN | Budget ng PCOO, dadaan sa butas ng karayom

Manila, Philippines – Bubusisiing mabuti ng mga senador ang panukalang 1.5-billion presos para sa Presidential Communications Operations Office o PCOO para s susunod na taon.

Ayaw kay Senadora Risa Hontiveros, dadaan sa butas ng karayom ang budget ng PCOO kasunod ng mga kapalpakan nito kung saan ang pinakahuli ay ang kontrobesyal na i-pederalismo dance video.

Si Senador JV Ejercito na nagdepensa sa budget ng PCOO noong nakaaang budget deliberations ay aminadong maraming dapat ipaliwanag ang ahensya.


Ayon kay Ejercito, dapat pag-aralang mabuti kung karapat-dapat ang dagdag 100-million pesos na hirit sa pondo ng PCOO.

Punto ni Ejercito, kung hindi ay makabubuting ilaan na lang ang nabanggit na salapi sa implementasyon ng universal healthcare program.

Maging si Senadora Grace Poe ay kinukwestyon din ang dagdag sa pondo ng PCOO habang ang ibang mga ahensya ay binawasan ang panukalang budget para sa taong 2019.

Facebook Comments