Tuesday, March 10, 2026

Bucor Chief Catapang, inireklamo sina Atty. Baligod at 18 ex-marines sa DOJ

Naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. laban kina Atty. Levi Baligod at 18 nagpakilalang sundalo na naghatid umano ng mga male-maletang pera sa ilang opisal ng gobyerno.

Ayon kay Catapang, walang katotohanan ang mga akusasyon gaya ng paghahatid umano niya ng 8 maletang pera kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Itinanggi rin ng opisyal ang mga umano’y kickback at iginiit na wala silang mga ghost projects.

Sinampahan ni Catapang si Baligod ng libel habang perjury naman laban sa 18 ex-marines dahil sa tinawag niyang demolition job.

Kasunod nito, naghain din ng disbarment si Catapang laban kay Baligod sa Korte Suprema.

Wala namang ideya si Catapang kung sino ang umano’y nag-udyok sa mga ito para idamay siya sa mga akusasyon.

Facebook Comments