Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Department of Justice o DOJ ang Bureau of Corrections o BuCor kaugnay sa pagkakasama ni Janet Lim Napoles sa listahan ng mga preso na maaaring mapalaya ng maaga sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Ayon kay Justice Undersecretary for Correctional System Deo Marco, maging sila ay nagulat nang makita ang listahan kung saan nakasaad nga ang pangalan ni Napoles.
Sinabi ni Marco na kwestyonable kung bakit “rape” ang kaso ni Napoles sa listahan, gayung siya ay sentensyado sa kasong plunder dahil sa Priority Development Assistance Fund o PDAF scam.
Aniya, habambuhay na pagkakakulong ang hatol ng Sandiganbayan kay Napoles na sinasabing“mastermind” sa pork barrel anomaly.
Si Napoles ay kasalukuyang nakakulong sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.