Manila, Philippines – Tiwala ang Malacañang na madaling lulusot sa Kamara ang P3.7 trillion 2019 national budget kasunod ng pagiging bagong House Speaker ni Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umaasa silang maipapasa ang budget sa tamang oras dahil nakapaloob dito ang build build build program na nangangahulugan na mas maraming proyekto sa mga mambabatas.
Aniya, cash-based na ang budget sa susunod na taon.
Ibig sabihin, hindi na uutang ng pondo at huhugot na lang sa kung ano ang kakailangan mula sa kaban ng pamahalaan.
Ang proposed 2019 National Budget ay mas mataas ng P439.4 billion o 13.2% na higit sa cash-based equivalent ng 2018 budget na P3.318 trillion.
Facebook Comments