BUDGET | North-south commuter railway project, popondohan ng Japan at ADB

Manila, Philippines – Popondohan ng gobyerno ng Japan at Asian Development Bank (ADB) ang north-south commuter railway project.

Ito ay 147-kilometer railway system mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna.

Nagkakahalaga ang proyekto ng ₱777.6 billion.


Ayon kay Finance Assistant Secretary Maria Edita Tan – ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ang maglalaan ng pondo sa aktwal na konstruksyon habang ang ADB ang bahala sa civil works.

Ang proyekto ay sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR), mayroon itong 36 na istasyon at ikokonekta sa kasalukuyang Light Rail Transits (LRT) line 1 at 2 at Metro Rail Transit (MRT) line 3, maging sa Metro Manila subway.

Inaasahang magkakaroon na ng partial operations sa taong 2022.
Ang north-south commuter railway project ay bahagi ng build build build program ng Duterte administration.

Facebook Comments