Ibababa sa susunod na taon ang budget ng Roads and Traffic Administration o RTA sa lungsod sa Cagayan de Oro.
Ito ang naging hamon ni City Councilor Zaldy Ocon, kung hindi umano magtitino ang mga traffic enforcers ng RTA.
Ayon kay City Councilor Zaldy Ocon, na nasasayang lang ang 90 million pesos na budget ng RTA ngayong taon, dahil marami itong mga natatanggap na reklamo laban sa nasabing mga traffic enforcers.
Isa sa mga naging biktima ng mga traffic enforcers sa lungsod sa City Councilor Zaldy Ocon, kung saan humantong sa demandahan ang kanilang girian matapos na nasampal ni City Councilor Ocon ang isang traffic enforcer na si Ric Emmanuel Agustin noong December 1, 2016.
Maaalala na naging kontrobersiyal si City Councilor Ocon, matapos nitong sinampal ang isang traffic enforcer na si Ric Emmanuel Agustin, dahil sa natanggap nitong citation ticket, dahil sa pag papark sa yellow box.
Kung si City Councilor Zaldy Ocon umano ang masusunod, gagawing 10 million pesos sa susunod na taon ang budget ng RTA, mula sa 90 million pesos na budget ngayong taon.
By: Joanna Ricote