Budgeting process para sa 2022 national budget, pinasisimulan na ng DBM sa government agencies

Inaatasan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga government department agencies na magsimula na sa kanilang budgeting process para sa taong 2022 para maisumite ito sa tamang panahon at oras sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26.

Ayon kay DBM Sec. Wendel Avisado, nakapaloob ang national budget call para sa taong 2022 sa National Budget Memorandum No.138.

Base sa timetable ng DBM, dapat maimprenta na sa Hulyo 7-20 ang 2022 budget documents bago ang submission nito kay Pangulong Duterte sa Hulyo.


Tinatayang nasa P5.024 trillion ang budget proposal para sa taong 2022.

Sa 2022 budget call, pinaalalahanan ni Sec. Avisado ang mga national agencies na magkakaroon ng mas mataas na Internal Revenue Allotment (IRA) sa 2022 alinsunod sa Supreme Court (SC) ruling sa tinaguriang mandanas-garcia petition.

Facebook Comments