Taxi driver, patay matapos pagsasaksakin ng kanyang pasahero sa Baguio City

Baguio City – Patay ang isang taxi driver matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang mga pasahero sa Baguio City.

Batay sa imbestigasyon – isinakay ng biktimang si Angel Sarmiento ang mga suspek sa Central Business District ng lungsod at ibinaba sa KM4 Asin Road.

Bigla na lamang pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima.


Nakatakbo pa palabas si Sarmiento, pero hindi na ito nakalayo at binawian na ng buhay ilang metro mula sa kanyang taxi.

Nagtamo siya ng siyam na saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Posibleng holdap ang motibo sa krimen.

Facebook Comments