Tiwi, Albay – Arestado ang 2 babae matapos na mahuli sa aktong ibinibugaw ang 16-anyos na dalagita sa 93-anyos na american national sa loob ng kwarto sa isang resort sa Barangay Lourdes, bayan ng Tiwi, Albay.
Agad na ikinasa ng Tiwi Municipal Police ang operasyon sa sumbong ng mismong resort owner na si Roger Villanueva dahil sa umano’y exploitation ng menor de edad.
Naabutan pa ng mga otoridad sa kwarto ang umanoy bugaw na si Grace Brutas kasama ang menor de edad at ang foreigner na nakilalang si Ralph Gordon habang hinuli naman ang isa pang kasamahan nito na si Jennifer Sevilla na pinaniniwalaan na bugaw din.
Nakatakda namang sampahan ng kasong qualified trafficking ang naturang mga suspek dahil sa paglabag sa republic act 10364 habang tumawag na ang pulisya sa Bureau of Immigration upang ipa-revoke ang residence retirees visa ng naturang Amerikano.