Higit Kumulang 300 na Kasapi ng CPP-NPA, Sumuko sa Gobyerno!

*Cauayan City, Isabela- *Nasa mahigit kumulang tatlong daang miyembro na ng CPP-NPA ang sumuko sa gobyerno ngayong taon mula sa iba’t-ibang lugar na sakop ng 5th Infantry Star Division.

Sa ibinahaging impormasyon ng SSgt. Gilbert Tadiwan, ang Public Information NCO ng Bravo Company 5th CMO Battalion, 5th ID, PA, inisyal pa lamang ang kanilang naitalang bilang na 282 na mga sumukong rebelde sa mga batalyon na kinabibilangan ng 17th IB, 50th IB, 54th IB at 86th IB sa ilalim ng 5th ID na pinamumunuan ni Major General Perfecto Rimando Jr.

Napagkalooban na rin anya ng tulong mula sa pamahalaan ang ilan sa mga naunang nagbalik loob na mga New People’s Army.


Kaugnay nito ay inaasahan pa ng pamunuan ng 5th ID na madadagdagan pa ang bilang ng mga susukong rebelde kung saan mas marami ang naitalang bilang ng mga sumuko ngayong taonG 2018 kumpara noong taong 2017.

Samantala, patuloy pa rin ang panghihikayat ng militar sa mga NPA katuwang ang ilang ahensya na sumuko na lamang upang makapiling ang mga naiwang pamilya at makapagpanibagong buhay.

Facebook Comments