Build build build program malaki ang naiambag sa paglago ng GDP ng bansa

Malaki ang inia-ambag ng construction industry sa pagtaas ng Growth Domestic Product (GDP) ng bansa.

 

Ito ang sinabi ni BCDA President at CEO Vivencio Dizon, kasunod ng pahayag ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na ‘dismal failure’ ang BBB program ng pamahalaan.

 

Ayon kay Dizon, simula 2016 hanggang 2018, nasa 12.7% ang naitalang pagtaas ng construction sector. Ibig sabihin, maraming aktibidad sa public sector construction ang ginagawa.


 

Halos doble aniya ito kumpara sa mga nagdaang administrasyon kung saan nasa 3.0% lamang noong Aquino administration, 1.6% noon Arroyo administration at 1.8% noong Estrada administration.

 

Ayon kay Dizon ang pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng malalaking investment para sa infrastructure spending ang main goal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglulungsad ng build build build program noong 2016.

Facebook Comments