Palalakasin pa ng pamahalaan ang Build Build Build Program para makapagbigay ng maraming trabaho para sa mga Pilipino at matugunan ang lumalalang unemployment rate sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Adviser on Flagship Programs and Projects at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and Chief Executive Officer Vince Dizon, committed si Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang infrastructure programs ng pamahalaan.
Aabot na sa ₱1 trillion ang nagastos ng gobyerno para sa infrastructure projects sa unang kalahati ng termino ni Pangulong Duterte katumbas ng nasa anim na porsyento ng Gross Domestic Product (GDP).
Kabilang sa mga proyekto ay ang New Clark City Project Phase 1-A, Harbor Link Project, Sangley Airport Project, Rosario Exit ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway at Clark International Airport.