Building standards ng bansa, pinarerepaso

Pinarerepaso ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang building standards ng bansa kasunod ng pinsalang tinamo sa imprasktratura dahil sa Bagyong Odette.

Ayon kay Sarmiento na isa ring engineer, nakasaad sa building code na ang mga pader ng mga gusali ay kailangan kayanin o malampasan ang lakas ng hangin na aabot sa 250 kph.

Ngunit sa Bagyong Yolanda pa lamang noong 2013 ay pumalo na ang hangin ng higit sa 300 kph.


Dahil dito, kailangan aniyang aralin at repasuhin na ang pagbabago sa naturang polisiya.

Bukod dito, iminungkahi rin ng kinatawan ang pagbabago sa disenyo ng mga major infrastructure buildings tulad ng airports at seaports.

Dapat aniyang matiyak din na bukod sa matatag sa malalakas na hampas ng hangin ang mga imprastraktura ay nakakadaloy ang hangin sa alinmang direksyon o wind resistant ang disenyo ng mga bubong ng mga paliparan at pantalan.

Facebook Comments