Isinailalim na rin sa lockdown ang buong probinsya ng bukidnon dahil sa banta ng COVID-19.
Sa ilalim ng abisong inilabas ni Bukidnon Governor Jose Ma. Zubiri Jr., hindi papayagang pumasok nsa probinsya ang mga hindi residente nito.
Exempted naman sa lockdown ang mga health workers, empleyado at opisyal ng gobyerno na tumutugon sa banta ng COVID-19, indibidwal o organisasyon na naghahatid ng humanitarian assistance at mga nagde-deliver ng pagkain at iba pang pangangailangan.
Sa Mindanao, nauna nang nagpatupad ng lockdown ang Davao Region at Zamboanga Del Sur.
Habang umiiral sa Luzon ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na tatagal hanggang April 13.
Facebook Comments