Special session ng kongreso hinggil sa pagtugon sa COVID-19, target tapusin sa loob ng isang araw

Tuloy ang special session ng kongreso sa bukas, March 23.

Pero paglilinaw ni Senate President Tito Sotto III, hindi tungkol sa supplemental budget para sa COVID-19 ang tatalakayin sa special session kundi para bigyan ng kapangyarihan si pangulong duterte na dumiskarteng pondohan ang mga hakbang ng gobyerno kontra COVID-19.

Aniya, anumang mapagkasunduang halaga ng pondo ay para rin sa pagkain at ayuda sa mga apektado.


Ayon naman kay Senador Ping Lacson, susubukan nilang matapos ang special session sa loob ng isang araw.

Facebook Comments