Bulgarian national, arestado dahil sa ATM skimming sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang isang Bulgarian national dahil sa paggamit ng mga kinopya o tinatawag na clone na mga ATM card sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar – kinilala ang suspek na si Orlyn Grosonov Istov na nagsasagawa ng ATM skimming para makanakaw ng pera sa mga account ng iba’t-ibang tao.

Nakumpiska sa dayuhang suspek ang 15 cloned ATM card at mahigit 50,000 pesos.


Sinabi rin ni Eleazar na dati na ring naaresto ang Bulgarian dahil sa kaparehas na kaso.

Aminado si Eleazar na malaking problema ang ganitong klaseng pagnanakaw kaya kabilang sa iniimbestigahan ang mga kaso ng cybercrime.
DZXL558

Facebook Comments