Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulkan Bulusan sa probinsiya ng Sorsogon kahapon ng umaga.
Ayon sa report ng PHIVOLCS, nagsimula ang phreatic eruption bandang alas 10:37 ng umaga at nagtuluy-tuloy ng mga 20 minuto kasabay ng mga naririnig na kulog mula sa loob ng bulkan.
Umabot sa mahigit isang kilometro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan na umabot sa ilang bayan at barangay na malapit sa bulkan. Tatlong pangunahing lugar ang inabot ng ashfall na kinabibilingan ng mga bayan ng Juban, Kasiguran at Erosin.
Kaagad namang inalerto ng mga concerned local government agencies ang mga mamamayan na manatiling nakabantay at nakahandang lumikas kung sakali mang magtuluy-tuloy ang pag-aalburoto ng nabanggit na bulkan.
Samantala, kaagad namang nagpa-abot ng tulong ang opisina ni VP Leni Robredo sa mga pamilyang apektado ng nasabing pangyayari.
sources of photos: fb of Leni Gerona Robredo and SPIO

Facebook Comments