Sorsogon, Philippines – Nagkaroon naman ng mahinang pagbuga ng abo ang Bulkang Bulusan.
Nabatid na umabot sa 200 metro ang taas na ibinuga ng bulkan mula sa mga aktibong vents nito.
Sa pinakahuling bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umabot sa 372 tonelada sa kada-araw ang average sulfur dioxide emission nito.
Patuloy naman ang monitoring ng ahensya sa naturang bulkan lalo na’t nakataas pa rin ang alert level 1 status sa bulkan.
Nitong nakaraang Lunes lang nang magkaroon ng mild phreatic eruption ang Bulusan ngunit agad namang pinawi ng PHIVOLCS ang pangamba ng publiko sa pangyayari.
DZXL558
Facebook Comments