Monday, April 13, 2026

Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo — PHIVOLCS

Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island kaninang 7:05 ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.

Nakunan ng IP camera at ng Kanlaon Volcano Observatory ang ash emission mula sa crater ng bulkan.

Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa 400 metro ang taas ng ibinugang abo bago ito tinangay ng hangin patimog-kanluran.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.

Sa nakalipas na 24 oras na pagmamanman, tatlong ash emission events ang naitala na tumagal ng 47 hanggang 129 minuto.

Nakapagtala rin ang ahensya ng 150 volcanic earthquakes, kabilang ang apat na volcanic tremors.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang anumang aktibidad sa loob ng 4-kilometer Permanent Danger Zone.

Facebook Comments