Bulkang Taal, muling nagpakawala ng usok

Muling nagparamdam ang Bulkang Taal kahapon sa pamamagitan ng sunod-sunod na phreatomagmatic eruption.

Ang phreatmagmatic eruption ay isang pagsabog dulot ng magma na sumasabog sa tubig na nagreresulta ng steam at abo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), nakapagtala ang Taal ng walong insidente ng pagsabog sa main crater nito mula 1:18pm hanggang 9:57pm kahapon.


Tumatagal naman ng 10 segundo hanggang dalawang minuto ang mga pagsabog kung saan sa pagtaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay nasa 900 meters ang taas ng ibinubugang usok nito.

Bagama’t walang naitalang volcanic earthquakes sa Bulkang Taal simula Disyembre 19 ng nakaraang taon, nananatili ito sa isa sa mga aktibong bulkan sa bansa na ngayon ay nasa Alert Level Status 2.

Dahil dito, posible talagang makapagtala ito ng mga pagsabog at pagpapakawala ng abo.

Facebook Comments