Bullying, nakikitang dahilan sa pananaksak ng isang menoredad sa kapwa nitong menoredad

Manila, Philippines – Naniniwala ang Manila Social Welfare Office na bullying ang dahilan ng pananaksak ng isang menor-de-edad sa kapwa nitong menor-de-edad.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pananaksak sa labas ng kanilang eskwelahan kung saan nagtamo ng tama ng saksak sa likod ang biktima.

Ayon kay Hermosa Tondo presinct commander, Senior/Insp. Jojo Salanguit – paghihiganti dahil sa bullying ang posibleng rason.


Idinaan sa counselling ang biktima habang isinailalim din sa pagsusuri ng doktor ang batang sumaksak.

Subalit nang magpa-check up ay hindi na nagpakita ang bata pati ang kanyang magulang.

Sinabi naman ni Manila Social Welfare, Assistant Dept. Head Jean Joaquin – napakahalaga sa mga magulang na matutukan ang kanilang mga anak kung nasasangkot ang mga ito sa gulo.

Dagdag pa ni Joaquin – isinasailalim sa mahigpit na supervision ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga batang nasasangkot sa krimen.

Mahalaga rin aniya na malimit ang exposure ng mga bata sa mga bayolenteng palabas at mga video games.

Mungkahi pa ng Manila Social Welfare, isali ang mga bata sa sports activities o iba pang pagkaka-abalahan ang mga bata.
Nation

Facebook Comments