Cauayan City, Isabela- Nakumpiska ng mga otoridad sa limang (5) katao ang tangkang iligal na pagbiyahe ng ‘hot meat’ sa Gonzaga, Cagayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Francisco Abesilla; Benjamin Gamboa; Aguinaldo Gamboa; Larry Pagaran at si Divino Rex Ramos na nahaharap sa iba pang kasong Usurpation of Public Authority at Falsification of Public Documents.
Base sa report ng PNP Gonzaga, nasabat ang mga karne sakay ng pribadong sasakyan partikular sa nakalatag na checkpoint sa Barangay Cabanbanan sa naturang bayan.
Ayon pa sa report, sinubukan na hingan ng dokumento ang mga suspek na magpapatunay ng legalidad ng pagbyahe ng mga karne subalit bigo ang mga ito dahil peke umano ang ilang dokumento na sanhi ng kanilang pagkaaresto.
Ayon naman kay NMIS Regional Technical Director Dr. Ernst Duque, maging mapanuri dapat ang publiko sa pagbili ng mga karne na ibinibenta sa mga palengke.
Bahagi ng mandato ng National Meat Inspection Service ang matiyak na ligtas ang mga bibilhing karne kung kaya’t mahigpit nilang ipiantutupad ang inspeksyon sa mga bilihan ng mga karne sa lambak ng Cagayan.
Ang mga nakumpiskang karne ay kaagad na ibinaon sa lupa.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10536 o Meat Inspection Code of the Philippines.
📸PRO2