Manila, Philippines – Inaasahang bababa na sa 6.5 percent ang inflation rate nitong Oktubre dahil sa matatag na presyo ng mga bilihin.
Ayon sa Department of Finance (DOF), tumatag na ang presyo ng mga pagkain lalo na ang bigas at gulay.
Nagsimula na anilang dumating ang mga inangkat na bigas ng National Food Authority (NFA) at pribadong sektor.
Habang naka-recover na rin ang industriya ng gulay mula sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo at bumama na rin ang singil sa kuryente.
Matatandaang pumalo noong Setyembre sa 6.7 percent ang inflation rate na pinakamataas sa nakalipas na siyam na taon.
Facebook Comments