BUMANAT | Senator Sotto, sinagot ang mga nagmamaliit sa kanyang kapasidad na pamunuan ang senado

Manila, Philippines – Hinamon ni Senate President Tito Sotto III ang mga nagmamaliit sa kanyang kakayahan na pamunuan ang senado na tingnan mabuti ang kanyang record at mga nagawa.

Ayon kay Sotto, bago sya husgahan ay bilangin muna ang mga naipasa niyang panukalang batas kumpara sa iba pang mga naging pangulo ng senado.

Pinagmalaki pa ni Sotto ang mga naipasang batas na laban sa ilegal na droga at krimen.


Sabi ni Sotto, bigyang konsiderasyon din sana ng kanyang mga kritiko ang dami ng pagkakataon na siya ay nagsilbi bilang majority leader, at minority leader sa ilalalim ng ibat-ibang liderato ng senado.

Binigyang-diin pa ni Sotto ang kahalagahan ng kanyang pagiging jurassic senator o may pinakamahabang panahon ng panunungkulan bilang senador.

Si Sotto ay nagsimulang maging senador noong 1992. Naging vice mayor din ng Quezon City at naging chairman ng Dangerous Drugs Board.

Facebook Comments