WOLVERHAMPTON, England – Patay na nang matagpuan ang isang bumbero na noo’y naka-night shift sa loob ng Wolverhampton Fire Station
Kinumpirma ng hepe ng himpilan, kinitil umano ni Andrew Moore, 50, ang sariling buhay habang naka-duty kasama ang mga katrabaho noong gabi ng Pebrero 16,(UK time).
Ayon kay Chief fire officer Phil Loach, labis na ikinagulat ng lahat ng nasa serbisyo ang naturang trahedya.
“Our thoughts and deepest sympathies are with his family, friends and colleagues,” aniya.
Kaugnay nito, bilang pagkilala kay Moore, sabay-sabay na nagpalit ng profile picture sa social media ang mga direktiba ng naturang himpilan ng West Midlands.
Ang manipis at kulay pulang linya na ipinalit sa mga larawan ay pagsuporta umano sa pamilya ni Moore matapos ang nangyari.
Kinabukasan ay nagkaroon din ng sandaling katahimikan sa gitna ng pagpupulong sa loob ng himpilan habang ipinalit na rin sa kalahating Mast ang kanilang watawat.
Samantala, nangako naman ang Fire station na gagawin ang lahat ng makakaya para masuportahan ang naiwang pamilya nito.
Taong 1993 nang pumasok sa North Yorkshire Fire and Rescue Service si Moore at nailipat sa West Midlands makalipas ang tatlong taon.
Hindi naman nabanggit kung ano ang naging motibo ng pagpapakamatay at kung paano nito kinitil ang buhay.
(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.
Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)