Bumbero sa Pangasinan tumulong sa panganganak ng isang buntis sa daan

1350

Umaani ngayon ng papuri sa social media ang isang bumbero matapos nitong tulungan ang panganganak ng buntis sa daan sa San Quintin Pangasinan.


Kinilala siyang si Fire Officer 2 Franklin Nipales 31 anyos mula sa Brgy. Ungib San Quintin,Pangasinan.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay FO Nipales katabi lamang umano ng kanilang station ang Rural Health Unit ng marinig niyang nanghihingi ng tulong ang driver ng tricycle kung saan naroroon ang babaeng tutulungan nito at agad naman itong rumisponde.

Hindi umano naging madali ang pagpapanak sa babae sapagkat nakalabas ng respondehan ito nakalabas na ang ulo ng bata.

Dahil registered nurse si Nipales hindi na ito nagdalawang isip na magbigay ng kakaibang serbisyo publiko.

Gayunpaman, naging matagumpay ang pagpapanak sa babae at agad na dinala sa rural health unit ang mag-ina.

Ayon kay Nipales trabaho ng isang bumbero ay to “save lives and properties” kung kaya’t isang karangalan ang pagtulong sa mga nangangailangan ng kanilang serbisyo.




Maging ang kasama ni Nipales na si Janice Gabundao Gansit ay hinahanagaan sa social media sa pagtulong nito kay Nipales.
###

Facebook Comments