BUMULUSOK | 6, patay sa pagbagsak ng tourist plane sa ilog sa Sydney, Australia

Australia – Patay ang anim na pasahero matapos bumagsak ang sinasakyang seaplane sa Sydney.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pabalik na sana ang eroplano sa headquarters ng Sydney seaplanes nang bigla na lamang itong bumulusok papunta sa ilog at agad na lumubog.

Ang naturang eroplano ay isa sa mga aircraft ng Sydney seaplanes na isang major tourism operator sa lugar.


Inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga pasahero maging ang sanhi ng pagbagsak ng kanilang eroplano.

Facebook Comments