BUMWELTA | Administrasyong Duterte, hindi competent – sagot naman ng kampo ni VP Leni Robredo

Manila, Philippines – Sumagot na ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala kakayahan si Robredo na pamunuan ang bansa.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, legal adviser ng Office of the Vice President, hindi maituturing na competent ang Administrayong Duterte.

Ipinunto ni Gutierrez ang mataas na inflation rate, mahal na presyo ng bigas, mababang palitan ng piso kontra dolyar, utang ng bansa, sariling karagatan ay hindi ipinaglalaban para sa mga Pilipino, malalang trapiko at lumalalang na patayan.


Facebook Comments