Inalmahan ng sinibak na secretary general ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang alegasyon ng katiwalian laban sa kanya.
Matatandaang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Falconi Millar dahil sa isyu ng korapsyon.
Depensa ni Millar, nagkaroon lamang ng demolition job laban sa kanya dahil may mga nabangga siya habang pinoprotektahan ang interes ng gobyerno.
Nauna aniya siyang mag-resign bago i-anunsyo ng Pangulo ang pagsibak sa kanya.
Samantala, ikinalulungkot naman ng Task Force Bangon Marawi ang pagligwak kay Millar na pinuno ng grupo.
Tiniyak naman ng task force na hindi ito makakaapekto sa rehabilitasyon sa Marawi.
Facebook Comments