BUMWELTA | Mocha Uson, sinimulan nang bakbakan ang mga “abusadong kongresista”

Manila, Philippines – Nagsimula nang binakbakan ni dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa kanyang video blog ang mga tinawag niyang abusadong kongresista.

Pinalagan ni Uson ang agad na pagpasa ng Kamara sa ₱1.41 billion budget ng PCOO kasunod ng kanyang pagbibitiw.

Sa panig ng Makabayan bloc, ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate – nirerespeto nila ang mga pahayag ni Uson.


Nanindigan si Act Teachers Party List Representative France Castro – na walang personalan sa ginawa nilang pagbusisi sa budget ng mga ahensya ng gobyerno.

Sa kabila nito, nanawagan si Uson na huwag iboto ang mga kalaban ng gobyerno.

Facebook Comments