HALALAN | PRRD, iginiit na hindi tatakbo sa mataas na posisyon si Mayor Sara Duterte

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na walang planong tumakbo sa pinakamataas na posisyon ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang talumpati sa dinner ng Philippine Military Academy Alumni Associtaion, Inc. sa Malacañan nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Pangulo – huwag nang umasa na tatakbo ang kanyang anak sa pagkapangulo.

Una nang sinabi ni Mayor Sara na plano nitong maging re-electionist mayor ng lungsod ng Davao.


Nabatid sa pinakahuling Pulse Asia survey, kabilang si Mayor Sara sa pasok na senatorial candidate mula sa 66 aspiring senatoriables sa 2019.

Facebook Comments