Texas – Naisalba ang isang buntis na naglabor sa kasagsagan ng hurricane Harvey sa Texas matapos magtulungan ang kaniyang mga kapitbahay.
Makailang beses umanong nakaramdam ng pananakit ng tiyan si Andrea Smith pero hindi sila makalabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan.
Kwento ng asawa nitong si Greg, hindi sila makabiyahe dahil sa taas ng tubig-baha.
Dahil dito, naisip ng kanyang mga kapitbahay na mag-ala human chain para makatawid sa baha ang mag-asawa.
Thankful naman ang mag-asawa lalo’t ligtas na naisilang ni Andrea ang kanilang baby girl.
Facebook Comments