Iginiit ni Senator Win Gatchalian na mahalagang sumunod ang kamara sa kung ano ang napag-usapan at napagkasunduan ng bicameral conference committee.
Ipinunto ni Gatchalian ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pipirmahan ang illegal na budget.
Diin ni Gatchalian, kapag tuluyang nadelay ang 2019 budget ay siguradong buong bansa ang magdurusa.
Ipinaliwanag na kailangan ng magamit ang pambansang pondo ngayong taon para mahadlangan ang masamang epekto nito sa ekonomiya at masigurado na maibibigay ang nararapat na serbisyo sa mamamayan.
Ayon kay Gatchalian, kapag nagpatuloy ang paggamit ng gobyerno sa reenacted budget hanggang Agosto ay babagal ang Gross Domestic Product ng bansa hanggang 6 percent mula sa inaasahang 6.7 percent.
Ikinatwiran ni Gatchalian na kapag nangyari ito ay mawawalan ang bansa ng P67.2 billion pesos.