BANGKAY NG ISANG LALAKI NATAGPUANG PALUTANG LUTANG SA AGNO RIVER SA BAYAN NG STO TOMAS

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa pagkakakilanlan ng bangkay ng isang lalaking nakitang palutang lutang sa Agno River sa bayan ng Sto. Tomas.
Ang nasabing bangkay ay nakitang palutang lutang pasado alas dos ng hapon sa may Agno River sa bahagi ng Brgy. Sto Domingo sa nasabing bayan.
Pinaniniwalaang nalunod ito sa ibang lugar at napadpad lamang sa nasabing Barangay.

Nakikipag ugnayan na ngayon ang mga otoridad sa mga kalapit bayan sakaling may mga nawawalan ng kaanak.
Nasa 5’4 ang height nito, 30 -40 years old, nakasuot ng itim na short at may suot ng kwentas at singsing, may tattoo sa kaliwang braso ng katagang “Angel”. |ifmnews
Facebook Comments