Buong pamilyang Duterte, nakatanggap ng pera mula sa umano’y drug lord ng Davao City na si Sammy Uy — Trillanes

Binigyang-diin ni dating Senator Antonio Trillanes IV, sa isang press conference ngayong Biyernes ng umaga, October 2, na magkaibigan ang pamilya Duterte at si Sammy Uy.

Sa mga dokumentong iprinisenta ni Trillanes, makikita na buong pamilyang Duterte ang nakatanggap ng pera mula kay Uy, simula 2011 hanggang 2013.

• ₱22.32-million ang kabuuang halaga na natanggap ni Vice President Sara Duterte
• ₱38. 81-million kay Congressman Paolo Duterte
• ₱51.58-million kay Davao City Mayor Baste Duterte
• ₱53.27-million kay Cielito Avanceña at Kitty Duterte
• ₱15.65-million naman kay dating President Rodrigo Duterte

Ayon kay Trillanes, importanteng maisiwalat ang nasabing mga impormasyon, dahil hindi umano lingid sa kaalaman ng lahat na tutol si dating President Rodrigo Duterte sa pagkalat ng iligal na droga sa bansa, pero taliwas umano ito sa mga dokumentong nagpapakita na mismong ang pamilyang Duterte ay nakikinabang din sa pera mula sa iligal na droga.

Matatandaang isang political contributor ng pamilya Duterte at isang kilalang drug lord si Sammy Uy sa Davao City.

Facebook Comments