Pangalawang lie detector test ni Rodulfo Gracioso Jr. sa NBI, lumabas na “No Deception”

COURTESY: National Bureau of Investigation

Walang nakitang senyales ng panloloko o kasinungalingan sa isinumiteng affidavit ng dating aide na si Rodulfo Gracioso Jr., matapos sumailalim sa kanyang pangalawang lie detector test sa National Bureau of Investigation (NBI).

Batay sa pagsusuri ng NBI, lumabas na “No Deception” ang mga naging findings sa polygraph exam ni Gracioso kaugnay ng kanyang sinumpaang salaysay noong September 14.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, bagama’t hindi ito direktang magagamit bilang ebidensya sa korte, malaking tulong ang resulta upang patunayan ang kredibilidad ng mga pahayag ni Gracioso.

Matatandaan na sa kaniyang unang salaysay, ibinunyag nito ang umano’y pagbibigay ng male-maletang pera sa pamilya Duterte sa utos ng kaniyang dating amo na si House Speaker Lord Allan Velasco.

Dahil dito, pormal nang inimbita ng NBI sina Vice President Sara Duterte at Speaker Velasco upang magbigay-linaw at tugunan ang mga paratang na nakasaad sa naturang affidavit.

Facebook Comments